Sa ulat ng ating gobyerno at ng International Monetary Fund, ang Ekonomiya daw ng Pilipinas ay lumago ngayong taon. Lumakas din daw ang pagpasok ng mga trabaho para sa ordinaryong Juan, kaya tumaas din ang koleksyon ng buwis, na siya namang nagiging pondo ng ating mahal na bansa.
Ayon sa huling datos na nanggaling mismo sa labi ng ating Pangulong sa Benigno Aquino III, isa sa may malaking pondo ngayong taon ay ang Expanded Conditional Cash Transfer Program. 12.3 Bilyong Piso kung susumahin, at yan ang pondo sa simula nitong Agosto ngayong taon.
Lumiliit na din daw ang porsyento ng mamayang Pilipinong nasasadlak sa kahirapan. Sa ating populasyong humigit pa sa Isandaang Milyon na ngayon, 24.9% (1Q 2014) ay mahihirap, kung tutuusin, merong 249,000,000 na Pilipinong hindi nakakakain ng sapat sa bawat isang araw.
Sa bawat taon na dumadating, kasabay na din sa isip maraming Pilipino ang pag-asang baka magsimula nang gumanda ang buhay nila ngayong taon. Ngunit ayon sa National Statistics Coordination Board, ang insidente ng kahirapan sa bawat rehiyon sa Pilipinas noong 2012 ay 22.3%, na hindi nalalayo sa 23.4% noong 2006.
Maya't mayang pagtaas sa presyo ng gasolina, mga kalamidad, at ang hindi pagta-trabaho ng tama and matapat ng ilang mga nasa tungkulin ang dahilan ng lalong paghihirap ng mas dumadaming Pilipino.
Marami pa tayong dapat talakayin, pero sa ngayon ay makikita nating iba ang pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno. Pinagdidiinan ng ating Malacanang na lahat ng inaasikaso ng ating gobyerno ay tungo sa daan matuwid.
Eto ang mga tanong natin.
Bakit sa tuwing may hindi pabor na pangyayari sa Malacanang, biglang kumikilos ang gobyerno para ang partidong sumasalungat ay mawala sa puwesto, makulong o bigla na lang manahimik? Personalan ba ang napiliin paraan para matahak ang daang matuwid?
Kung nababawasan na daw ang bilang ng mahihirap sa Pilipinas, isa ka ba dito?
Sapat ba ang kinikita nating ordinaryong Pilipino para sa ating tustusin sa araw araw?
Kailan ang tunay na pagbabago?
No comments:
Post a Comment