Wednesday, May 27, 2015

Epekto ng Call Center sa Pilipinas! - Alexander Caber

Call Center Philippines - BPO

Epekto ng Call Center sa Pilipinas!

Minsan naisip ko paano ako at ang ating mga kababayan kung wala ang industriya ng call center sa Pilipinas?
Simulan natin sa mga nagtatapos na studyante sa ating bansa kada taon,lahat ba sila ay nagkakapag trabaho ayon sa kanilang propesyon? Mga estudyante na hindi nakapag tapos dahil sa kulang na ang pera para makapag aral. Mga anak ng mga mayayaman na hindi nakapag tapos dahil alam naman nila na hindi nila kailangan mag trabaho para mabuhay. Anu kaya ang ating silbi sa lipunan?

Maliban sa mga nabanggit na mismong naka pa loob sa industriya ay mga kababayan naten na apektado din sa pag dagsa ng industriya ng call center sa Pilipinas.

Ang mga kababayan natin na taxi drayber, jeepney drayber, cigarette bendor at mga tindera sa karinderia, Kung ating iisipin paano sila na apektuhan ng industriya? Pero kung ating susuriin napaka laki ng epekto sa kanila, kung dati rati ang karamihan sa kanila ay tuwing umaga mo lang makikita na nag hahanap buhay, ngayon makikita mo rin sila na sumasabay na mag puyat sa mga lugar na mayroong opisina ng call center. 

Ilang taxi drayber,jeepney drayber,cigarette bendor at tindera ng karinderia ang nadagdag simula ng dumagsa ang industriya ng call center sa ating bansa.

Anu naman ang epekto sa ting bansa kung wala ang industriya? Mas maraming walang trabaho,Pamilyang nagugutom at mga kriminal sa lansangan.

Words of: Alexander Caber

Wednesday, September 10, 2014

Modernong PNP?

Pilipino, gaano ka nagtitiwala sa ating Kapulisan? Lumalapit ka ba sa kanila sa oras ng pangangailangan? Nakakita ka na ba nag Pulis na umaaksyon laban sa kriminalidad at kasamaan sa ating paligid at kakalsadahan?

Sa tingin mo, ano ano ba ang dapat na mayroon ang isang Pulis para masabi mong isa siyang ganap na tagapagtanggol ng bayan, kakampi at tagabantay ng mamamayan?

Ang isang Pulis ay mayroon ng mga bagay na ito: Edukasyon (sa Batas, Basic Tactics, Training), at mga kagamitang gagamitin sa kanilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin.

Anong kagamitan? Kung ikukumpara sa ibang bansa, partikular sa mauunlad na bansa, ang bawat Pulis ay mayroong ng ilan or higit pa sa mga ito: radyo, batuta (sa iba baton, o night stick), stun gun o taser, isang pares ng posas, ang kanilang tsapa, at service firearm.

Sa mga nabanggit, madali nating makikita na lahat o karamihan nito ay wala ang mga Pulis natin dito sa Pilipinas.

Isa sa dahilan ng kakulangan ng gamit ay pondo.

Pondo, isang salitang kasalukuyang malaking paksa dito sa Pilipinas. Ang tanong ng marami, "Saan napunta ang pondo ng Gobyerno?" "Saan napunta ang pondo na galing sa tao?"

Balik sa ating pinaguusapan: armas ng kapulisan.

May polisiya ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na 1:1 na tumbasan ng tauhan at armas. 

Mukhang mayroon malaking mali, sapagkat maiintindihan pa natin kung bakit hindi lahat ng pulis ay may radyo o batuta o kagamitang pang unang lunas. Pero parang hindi yata tama na may makikita tayong pulis na walang baril.

May mga lugar na napakahalaga ang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng taumbayan dito sa Pilipinas na walang sapat na bilang ng baril para sa mga pulis.

Ayon sa Police Regional Office in the Autonomous Region of Muslim Mindanao (PRO-ARMM) kasalukuyang pinapantay ang pagkaka-pantay ng tumbasan ng armas at pulis sa Mindanao. Ang patunay na may mali sa pagpapalakad: 737 na baril ang ibabalik sa pamunuan ng kapulisan, ito ay matapos makita na 228 na pulis sa ARMM ang may higit sa dalawang baril.

Ayon kay C/Supt. Noel Delos Reyes, Regional Director ng PRO-ARMM, ang SULU Police nagtataglay ng mahigit 320 na armas bilang reserba. Ito ay sa kabila ng 335 na armas na nabansagang nawawala, ayon sa mga opisyal.

Bilang isang taong gumagamit ng isip, ating makikita na may iregularidad sa pagtatala, pagtatago at pagbibigay ng armas sa ating mga pulis.

Sana bago maging huli ang lahat ay maisaayos ng ating gobyerno ang problemang ito. Hindi tamang ang pulis ay walang armas, at ang mga elemento ng kriminalidad ay nakalalamang sa kanila pagdating sa usapan ng baril.

Ang baril at tsapa ay nakaugnay sa katauhan ng isang pulis, mawala ang isa sa kanila, at mawawalan ng silbi ang natira.

With appropriate credits to GMA News and Public Affairs 

Friday, August 29, 2014

Kahirapan at Pilipinas

Sa ulat ng ating gobyerno at ng International Monetary Fund, ang Ekonomiya daw ng Pilipinas ay lumago ngayong taon. Lumakas din daw ang pagpasok ng mga trabaho para sa ordinaryong Juan, kaya tumaas din ang koleksyon ng buwis, na siya namang nagiging pondo ng ating mahal na bansa.

Ayon sa huling datos na nanggaling mismo sa labi ng ating Pangulong sa Benigno Aquino III, isa sa may malaking pondo ngayong taon ay ang Expanded Conditional Cash Transfer Program. 12.3 Bilyong Piso kung susumahin, at yan ang pondo sa simula nitong Agosto ngayong taon.

Lumiliit na din daw ang porsyento ng mamayang Pilipinong nasasadlak sa kahirapan. Sa ating populasyong humigit pa sa  Isandaang Milyon na ngayon, 24.9% (1Q 2014) ay mahihirap, kung tutuusin, merong 249,000,000 na Pilipinong hindi nakakakain ng sapat sa bawat isang araw.

Sa bawat taon na dumadating, kasabay na din sa isip maraming Pilipino ang pag-asang baka magsimula nang gumanda ang buhay nila ngayong taon. Ngunit ayon sa National Statistics Coordination Board, ang insidente ng kahirapan sa bawat rehiyon sa Pilipinas noong 2012 ay 22.3%, na hindi nalalayo sa 23.4% noong 2006.

Maya't mayang pagtaas sa presyo ng gasolina, mga kalamidad, at ang hindi pagta-trabaho ng tama and matapat ng ilang mga nasa tungkulin ang dahilan ng lalong paghihirap ng mas dumadaming Pilipino.

Marami pa tayong dapat talakayin, pero sa ngayon ay makikita nating iba ang pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno. Pinagdidiinan ng ating Malacanang na lahat ng inaasikaso ng ating gobyerno ay tungo sa daan matuwid.

Eto ang mga tanong natin.

Bakit sa tuwing may hindi pabor na pangyayari sa Malacanang, biglang kumikilos ang gobyerno para ang partidong sumasalungat ay mawala sa puwesto, makulong o bigla na lang manahimik? Personalan ba ang napiliin paraan para matahak ang daang matuwid?

Kung nababawasan na daw ang bilang ng mahihirap sa Pilipinas, isa ka ba dito?

Sapat ba ang kinikita nating ordinaryong Pilipino para sa ating tustusin sa araw araw?

Kailan ang tunay na pagbabago?